sana ako na lang. ang siya sa mga winika mong pag-irog. ang kaputol ng mga pangungusap mong bumuhos sa nanlamig nang kawalan.
wala na ang tugtugin wala na rin ba ang damdamin? naiwan mo akong nakatihaya sa ilalim ng mga talang napagod na sa kaiinda ng aking walang-sawang pagtingin.